Umabot na sa 1,236,469 boxes ng family food packs ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng Bagyong #CarinaPH at Habagat.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, patunay aniya ito ng maigting na implementasyon ng pagbibigay ng serbisyo ng DSWD.
Ang inisyatibang ito ng departamento ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang sa mga hinatiran ng family food packs ang Central Luzon; National Capital Region (NCR); Bicol Region; CALABARZON; MIMAROPA; Ilocos Region; at sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ang mga food packs ay naka-preposition na sa mga warehouse sa iba’t ibang field offices, habang ang iba naman ay naibigay na sa local government units (LGUs).
Bukod sa prepositioning, nagsagawa din ang DSWD Field Offices ng early disaster risk assessment upang malaman ang mga pangangailangan ng bawat pamilya at komunidad.| ulat ni Rey Ferrer