Mga bagong opisyal ng DepEd, nanumpa na sa puwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nanumpa sa puwesto ang apat na bagong talagang opisyal ng Department of Education (DepEd).

Pinangunahan ni Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang oath taking ceremony sa tanggapan nito sa Pasig City kahapon.

Kabilang sa mga nanumpa sina Undersecretary Peter Irving Corvera, Undersecretary Trygve Olaivar, Undersecretary Mel John Verzosa, at Asistant Secretary Malcolm Garma.

Kasabay naman ng pagtatalaga sa mga bagong opsiyal, binigyang-diin din ni Angara na sisikapin din ng kagawaran na maisaayos ang implementasyon ng career progression ng mga guro sa pampublikong paaralan ayon na rin sa direktiba ng Pangulo. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: DepEd

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us