PNP-AKG, ipinagluluksa ang pagkasawi ng tauhan nito matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang operasyon sa Pampanga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiramay ang liderato ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa pamilya ni PSSgt. Nelson Santiago.

Nasawi si Santiago matapos mapuruhan sa ikinasa nilang rescue operations sa Angeles City nitong weekend na nauwi naman sa engkuwentro.

Ayon kay PNP-AKG Director, Police Brig. Gen. Cosme Abrenica, kanilang ipinagluluksa ang pagkawala ng isang bayani na nag-alay ng sarili habang ginagampanan ang tungkulin sa bayan.

Kasunod nito, tiniyak ni Abrenica sa pamilya ni Santiago ang tulong na kanilang ipaaabot sa panahong ito na nahaharap sila sa isang pagsubok.

Una rito, nasagip ng AKG katuwang ang Chinese Police Attache ang dalawang babaeng Chinese na sina Zhou Lin at Zhou Jiangxiang na dinukot ng sarili nilang kalahi.

Nagpaputok ng baril ang mga suspek na kinilalang sina Hu Kai at Ryu Don kung saan, tinamaan si Santiago habang nasugatan naman si PCMSgt. Eden Accad. | ulat ni Jaumark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us