Simula ngayong araw, ay mas marami pang KADIWA sites ang magkakaroon ng bentahan ng murang bigas sa ilalim ng Rice-For-All Program.
Nasa ₱45 ang bentahan dito ng kada kilo ng well milled rice na hiwalay pang programa sa ₱29.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, magiging available na rin ngayong linggo ang mas murang bigas sa mga sumusunod na KADIWA sites:
QUEZON CITY (Fri-Sat)
– Bureau of Animal Industry, Visayas Avenue, Brgy. Vasra
MANILA (Fri-Sat)
– Bureau of Plant Industry, San Andres St., Brgy. 706, Malate
LAS PINAS (Thu-Sat)
– PhilFIDA Compound, Aria St., Brgy. Talon Dos
MARIKINA (Thu-Sat)
-New Sibol Market, Kabayani Road, Brgy. Jackfruit
– Concepcion One Barangay Hall, Molave St.
VALENZUELA (Thu-Sun)
– NHA Disiplina Village Phase 1, Brgy. Ugong
NAVOTAS (Thu-Sat)
Navotas City Hall Sports Complex
MALABON (Thu-Sun)
Fisherfolks Consumer Cooperative (PFCC), 18 Tuazon Ave., Barangay Potrero
Hanggang 25 kilos ang limit na maaring bilhing bigas ng mga mamimili sa ilalim ng Rice-For-All.
Bukod din sa bigas, makakabili ang publiko ng iba pang agri-fishery products gaya ng manok, gulay, at isda na mas mura kumpara sa palengke. | ulat ni Merry Ann Bastasa