Congressional Medal of Excellence, iginawad ng Kamara kay double-gold Olympic medalist Carlos Yulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginawad ng Kamara sa Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang Congressional Medal of Excellence.

Ito ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga natatanging Pilipino sa larangan ng sports, pagnenegosyo, medisina, agham, at sining at kultura.

Kasunod na rin ito ng pagsungkit niya sa dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution (HR) No. 1864 na nagpapaabot ng pagbati sa kaniyang tagumpay kasabay ng paggawad ng naturang pagkilala.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, sa tagumpay ni Yulo ay tinuruan niya tayo na sa tamang pagpupursige ay maaabot din ang ating mga pangarap hindi lamang para sa sarili pati sa ating pamilya, komunidad, at bansa.

“Caloy Yulo is truly one of the greatest Filipino athletes of all time, earning the country not only one but two gold medals in the Olympics. Ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng bawat Pilipino, at napalaking karangalan ang kanyang hatid sa Pilipinas,” saad ni Speaker Romualdez na isa sa may akda ng resolusyon.

Nanalo si Yulo sa Men’s Artistic Gymnastics Floor Exercise at Men’s Vault Apparatus sa 2024 Paris.

Si Yulo ay bibigyan ng Kamara ng kopya ng pinagtibay na resolusyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us