Ipinagmalaki ng Energy Regulatory Commission Chair Monalisa Dimalanta sa mga mambabatas ang paglaki sa bilang ng mga nakabenepisyo sa lifeline rate subsidy.
Sa gitna ito ng pagtalakay sa panukalang pondo ng Department of Energy kasama ang ERC.
Mula aniya January 2023 hanggang June 2024, nasa 287,867 na ang benepisyaryo ng programa ng non-cash monetary discount program sa buwanang singil sa kuryente.
Sa bilang na ito, 237,023 ang 4Ps beneficiaries.
Nagkaroon aniya ng paglaki sa bilang ng benepisyaryo nang maisama na rin ang 4Ps beneficiaries sa programa na sinimulan nitong Enero 2024.
Nagsasagawa na rin aniya sila ng pag-iikot sa mga barangay para sa information at registration program upang hindi na kailanganin pang dayuhin ng customer ang tanggapan ng kanilang distribution utility.
Para sa taong 2025, may panukalang P926,379 na pondo ang ERC. | ulat ni Kathleen Jean Forbes