Nirerespeto ng Quezon City LGU ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagkakawalang-saysay ng zoning ordinance (na ipinatupad noong 2003) na may kaugnayan sa lupang ginamit ng Manila Seedling Bank.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamahalaang lungsod na wala pa itong natatanggap na kopya ng desisyon ng SC.
Gayunman, ipinunto ng LGU na kinikilala nito ang batas at ang kapangyarihan ng SC.
Kasunod ng desisyon, magsasagawa umano ang LGU partikular ang Legal Department ng masusing pagsusuri upang lubos na maunawaan ang mga implikasyon nito.
Una nang sinabi ng korte na mali ang ginawang pagremata ng Quezon City government sa pitong ektaryang lupaing dating ginamit ng Manila Seedling Bank Foundation (Foundation) bilang plant nursery.
Sa desisyon ng SC, hindi pwedeng kontrahin ng isang city ordinance ang batas gaya ng Proclamation 1670. | ulat ni Merry Ann Bastasa