Pansamantalang magpapatupad ng suspensyon sa operasyon ang private operator ng LRT Line1 na Light Rail Manila Corporation o LRMC.
Ayon sa nasabing kumpanya, ang suspensyon ay para sa kanilang gagawing preparasyon sa pagbubukas ng LRT-1 Cavite Extension bago matapos ang taon.
Anila, ipatutupad ang nasabing suspensyon ng commercial operation sa tatlong magkakasunod na weekends ng Agosto sa mga petsa na: Aug. 17-18; Aug. 24-25, at Aug. 31-Sept. 1.
Paliwanag ng LRMC, sa nasabing mga panahon na walang operasyon ay i-integrate nila ang mga existing system ng LRT-1 sa Cavite Extension partikular ang mga signaling system, gayundin ang pagsasagawa ng systems operation demonstration tests at magsasagawa din ng mga kinakailangang mga operational exercises para matiyak ang kaligtasan at reliability ng extended system. | ulat ni Lorenz Tanjoco