Party-list solon, pinasosolusyunan sa CHED ang mababang success rate ng maritime education graduates

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalungkot ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo ang mababang success rate o bilang ng mga maritime student na nagtatapos.

Sa budget deliberation ng Commission on Higher Education (CHED) iprinisinta ng ahensya na mula sa 34,000 enrollees ng BS Marine Transportation at BS Marine Engineering nasa 9,000 lamang sa mga ito ang nakaka graduate.

Ayon sa CHED ito ay dahil sa kakulangan ng shipboard training slot na naiaalok sa mga marine student.

Sinabi ni Salo, na dapat tiyakin ng CHED na lahat ng mga higher education institution ay “equiped” sa ship boarding facilities at mechanism upang tiyakin na magtutuloy-tuloy ang estudyante sa kanilang karera at maka-graduate.

Aniya, kabilang ito sa probisyon sa isinusulong na Magna Carta for Filipino Seafarers.

Samantala, tumaas ang hinihinging budget ng Commission on Higher Education (CHED) sa taong 2025.

Mula sa P30.987 billion noong 2024 umakyat ito ng P31.68 billion, tumaas ng 2.19 percent.

Sa budget deliberation ng CHED, sinabi ni CHED Chair Prospero De Vera, kabilang sa major thrust ng kanilang budget para sa 2025 ay para sa UAQTE, upskilling ng Medicine and Allied Health Manpower, Maritime, Financial Assistance, for post Graduate Students o SIKAP, at sa presidential directives. | ulat ni Melany Valdoz Reyes