Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na mabigyan ng pabahay ang mga pamilyang Badjao sa Mindanao.
Katunayan, may ongoing project na ng pabahay ang DHSUD at NHA sa Zamboanga City para sa mga Badjao.
Nitong Biyernes, magkasamang ininspeksyon nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at National Housing Authority General Manager Joeben Tai ang mga itinatayong housing units sa stilt areas sa Barangay Kasayangan.
May kabuuang 81 pamilyang Badjao ang target na makinabang sa proyekto.
Nagtanong pa si Secretary Acuzar sa LGU kung ano pa ang maitutulong ng DHSUD para mapahusay ang pamumuhay ng mga Badjao sa project site. | ulat ni Rey Ferrer