Paiigtingin pa ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabantay sa mga baboy na may sakit na African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maglalatag ng mga checkpoint sa buong Luzon upang mahadlangan ang pagkalat ng ASF sa Batangas.
Pansamantala lamang ang mga checkpoint habang hinihintay pa ang pagdating ng ASF vaccines na maaaring tumagal pa ng ilang linggo
Tiniyak ng kalihim na may resources ang DA para agad na tumugon sa mga bagong kaso ng ASF.
Ang karagdagang border controls ay idinisenyo upang pigilan ang paggalaw ng mga may sakit na baboy, na naging malaking salik sa mabilis na pagkalat ng ASF sa Batangas.
Dahil sa ASF Outbreak, ilang bayan sa Batangas ang nagdeklara na ng State of Calamity para maka-access sa emergency funds, upang makatugon sa epekto ng outbreak at maagapan ang pagkalat nito. | ulat ni Rey Ferrer