Ibinahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kamakailang naganap na forum ang kahalagahan ng matalinong pagpaplano para sa pagreretiro kabilang ang pagtampok nito ng Personal Equity Retirement Account (PERA) bilang isang kasangkapan para sa pagkamit ng financial security sa retirement.
Dito, binigyang-diin ni BSP Deputy Governor Eduardo Bobier kung paano sinusuportahan ng PERA, isang halimbawa ng Open Finance initiative ng BSP, ang mga Pilipino na makamit ang kanilang financial freedom, na ginagawang mas madali ang kanilang financial decisions.
Samantala, binigyang-pansin naman ni Deputy Governor Chuchi Fonacier ang pangangailangang magplano nang mabuti para sa pagreretiro at kahalagahan ng mga pagsisikap kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Sinabi rin ni Trust Officers Association of the Philippines (TOAP) President Christiane Alonzo-Velasco ang kahalagahan ng maagang pagpaplano para sa pagreretiro, at pinayuhan ang mga Pilipino na magtakda ng malinaw at konkretong mga layunin.
Tinalakay din sa forum ang epekto ng inflation sa pag-iipon para sa pagreretiro at ang mga mekanismo sa pag-iinvest sa pamamagitan ng PERA, na sinasabing isang mahalagang karagdagan din sa traditional pension plans. | ulat ni EJ Lazaro