Suspek sa pagpatay kay Percy Lapid, nagpakamatay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpakamatay ang isa sa mga suspek sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid, habang nagtatangka ang mga pulis na isilbi ang arrest warrant sa kanya sa Purok 4, Barangay Lumbang, Lipa City Batangas kahapon.

Sa panayam kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Police Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ng opisyal ang suspek na si Orlando Almanor alyas “Orly” na tubong Baco, Oriental Mindoro.

Sinabi ni Nartatez na natunton ng mga operatiba ang pinagtataguan ng suspek sa Lipa at isisilbi sana ang warrant nang biglang hinostage ng suspek ang kanyang live-in partner at anak.

Matapos ang mahabang hostage negotiation na tumagal hanggang alas-4 ng umaga, pinakawalan din ng suspek ang kanyang mga bihag, at pagkatapos ng ilang munuto, ay binaril ang kanyang sarili sa harap ng kanyang pinsan at Barangay Captain na nagsilbing mga negotiatior.

Ayon kay Nartatez, ang suspek ay isa sa mga nagplano at kasama ng self-confessed gunman na si Joel Escorial nang barilin si Lapid sa loob ng kanyang bahay noong Oktubre ng 2022.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us