COMELEC Chair Garcia, malayang maghain ng Ethics Complaint — Rep. Marcoleta

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang demokratikong bansa ang Pilipinas kaya malayang maghain ng Ethics Complaint si COMELEC Chair George Garcia.

Ito ang tugon ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta nang mahingan ng reaksyon sa plano ni Garcia na maghain ng Ethics Complaint laban sa kaniya.

Kaugnay ito sa isiniwalat na offshore account ng mambabatas na umano’y nakapangalan kay Garcia.

Giit ng Party-list solon, hindi niya nais siraan ang COMELEC bagkus ay gusto lang niyang protektahan ang integridad ng nalalapit na halalan.

“Kung mayroon siyang ground na mag-file ng Ethics Complaint, kung palagay niya tama ‘yong gagawin niya, we are in a democracy, why don’t he do it? Kasalanan ba ‘yong nakakita ako ng paraan para lang ma-prove natin na merong account?… So bakit ako ‘yong kanyang paghihinalaan na gumagawa ng demolition job? Am I trying to demolish the COMELEC? The COMELEC is an independent constitutional body, we should protect the COMELEC and I also said we should also protect our national elections,” ani Marcoleta.

Hanggang ngayon kasi aniya ay bigo ang COMELEC na patunayan ang kredibilidad ng gagamiting automated system sa 2025 Elections na mula sa bagong service provider na Miru System.

“What happens to the integrity and the credibility of your national elections when there is a doubt or there are doubts hanging kung competent nga yong gagamitin mong system and the machines? Why is it that the COMELEC up to now is not answering that basic question?” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us