Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na tataas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto.
Ayon sa MERALCO, Php 0.03 kada kilowatt hour (kHw) ang ipatutupad nilang umento sa singil sa kuryente para sa August billing.
Katumbas ito ng Php 7 na umento para sa mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan habang Php 16 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kHw kada buwan.
Paliwanag ng MERALCO, tumass kasi ang transmission charge.
Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga customer na posibleng magkaroon ng pagtaas ng mga generation cost mula sa First Gas- Sta. Rita at San Lorenzo na gumagamit ng Malampaya gas. | ulat ni Jaymark Dagala