Target ng Department of Education (DepEd) na mailipat sa formal education ang mga estudyanteng naka-enroll sa Alternative Learning System (ALS).
Para sa school year 2024-2025 umaabot sa 326,253 ang naka-enroll sa ALS.
Sa kanilang ginawang presentation sa House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ng DepEd na patuloy nilang tinatahak ang kanilang panukalang Basic Education Learning Pathways Framework.
Ang ALS ay parallel learning system na magbibigay oportunidad sa mga out of school youth and adults para makumpleto ang basic education.
Paliwanag ng DepED, mas mababawasan ang dropout rate sa ALS kung muling makakabalik ang mga estudyante nito sa formal schooling na siyang target ng programa.
Patuloy namang isinasagawa ngayon ng kagawaran ang inventory ng mga ALS Community Center sa mga eskwelahan at Division office.
Iginiit naman ng DepEd ang kanilang pagsuporta sa batas ng ALS upang tiyaking nasusunod at napatutupad ang batas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes