Walang naitalang pinsala sa paliparan ang Magnitude 5.1 na lindol sa Maconacon, Isabela.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, matapos ang lindol agad nilang inactivate ang tower emergency plan upang suriin ang mga paliparan na matatagpuan malapit sa pinangyarihan ng lindol.
Kabilang na ang sa Cauayan at Palanan Airports sa Isabela.
Sa ngayon patuloy ang passenger terminal operation matapos makitang normal ang sitwasyon.
Nagsagawa din ng assesement sa terminal building, communication equipment, at wala ring nakitang pinsala sa airport runway.
Sa kabila nito patuloy na nakatutok ang CAAP sa sitwasyon dahil sa posibleng pinsalang idulot ng mga aftershock. | ulat ni Don King Zarate