Pagbasura ng Court of Appeals sa mga petisyon laban sa NTF-ELCAC, PNP, at AFP,  ikinalugod ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng pamahalaan ang pagbasura ng Court of Appeals sa petition for writ of Amparo, laban sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kung matatandaan noong 2023, iprinisinta sa isang press conference sila Jonila Castro at Jhed Tamano, makaraang sumuko sa mga otoridad ang mga ito.

Gayunpaman, sa mismong press conference, binaliktad ng mga ito ang kanilang pahayag at sinabi na dinukot umano sila ng Philippine Army.

“And then tungkol naman sa akin, sinampahan kami ng petition for habeas data kasi diumano ilalabas ko daw ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanila at iyong impormasyon na ito is another threat to their life, liberty, security and privacy. At sabi po ng Court of Appeals, “The petitioner failed to prove the existence of the right to informational privacy. So, maliwanag na maliwanag na never did we at NTF-ELCAC say anything to threaten their life, liberty and security.” —ADG Malaya

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ADG Jonathan Malaya na malaking patunay lamang ang desisyon ng Commission on Audit na walang anumang ginawa o sinabi ang pamahalaan upang pagbantaan ang buhay, kalayaan, at seguridad ng mga ito.

Sabi ng opisyal, maliwanag na walang kinalaman ang gobyerno sa umano’y forced disappearance ng mga ito.

“We were vindicated. Very clear ang desisyon ng Supreme Court na walang kinalaman ang pamahalaan or ang NTF-ELCAC sa alleged abduction nila, walang sinasabing evidence of state participation. So, iyong sinasabi na mayroong kinalaman ang pamahalaan sa kanilang abduction or alleged forced disappearance – ito po ay kasinungalingan lamang.” —ADG Malaya. | ulat ni Racquel Bayan