Umakyat sa siyam ang bilang ng barkong pandigma ng China na na-monitor sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea mula August 6 hanggang 12.
Sa datos ng Philippine Navy, isang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang namataan sa Ayungin Shoal, dalawa sa Pag-Asa Islands, isa sa Likas Island, isa sa Patag Island, tatlo sa Sabina Shoal, at isa sa Iroqui Reef.
Ang bilang na ito ay triple sa tatlong barko ng PLAN na na-monitor sa naunang linggo ng Hulyo 30 hanggang Agosto 5, kung saan isa ang namataan sa Bajo de Masinloc at dalawa sa Panata Island.
Sa nabanggit na panahon, nasa kabuuang 122 barko ng China, na kinabibilangan ng 3 PLAN vessel, 12 Chinese Coast Guard vessel (CCGV) vessel at 106 Chinese Maritime Militia vessel (CMMV) ang na-monitor ng Philippine Navy.
Bumaba ito sa kabuuang bilang na 92, na kinabibilangan ng siyam na PLAN vessel, 13 CCGV, at 68 CMMV sa nakalipas na linggo. | ulat ni Leo Sarne