Gagamit na ng Space Science and Technology Applications (SSTA) ang Department of Human Settlements and Urban Development sa pagsusulong ng Housing and Urban Development Industry sa bansa.
Isang Memorandum of Agreement ang opisyal nang nilagdaan ng DHSUD at PhilSA ukol dito.
Nilalayon ng MOA na palakasin ang pagsisikap ng Environmental, Land Use and Urban Planning and Development Bureau ng departamento sa digitalisasyon ng land use at mga urban planning process sa pamamagitan ng PlanSmart para sa Sustainable Human Settlements Platform.
Binuo ng DHSUD at ng Departament of Science and Technology ang PlanSmart na isang digital, integrated at automated platform na bumubuo ng climate at disaster risk-informed land use plans, open spaces at resilient urban design.
Ang kasunduan ay makakatulong sa pagbuo ng isang Automated Land Use at Zoning Compliance Monitoring Tool sa pamamagitan ng paggamit ng Remote Sensing at Artificial Intelligence na tinatawag na AutoCam.
Inuutusan din ng MOA ang DHSUD at PhilSA na magtakda ng data standards na magbibigay-daan sa land use at zoning at HSUD data kabilang ang impormasyong nagmula sa espasyo na mailipat at ma-upload sa PlanSmart at mga kaugnay na aplikasyon. | ulat ni Rey Ferrer
đź“·: DHSUD