ROTC Games 2024 National Championship, magbubukas sa Linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasagawa sa darating na Linggo ang opening ceremony para sa Reserve Officer Training Corps (ROTC) Games 2024 National Championship sa Cavite State University sa Indang, Cavite.

Ang Philippine ROTC Games ay isang kompetisyon sa iba’t ibang larong pampalakasan, sa pagitan ng mga ROTC cadet mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Inaasahang dadalo sa pambungad na programa simula alas-3 ng hapon sina Senador Jinggoy Estrada, na panauhing pandangal, Senador Francis Tolentino, at mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED), Cavite State University (CvSU), Department of National Defense (DND), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa bisperas ng opening ceremony, isasagawa naman ang Miss ROTC Philippines 2024 Pageant sa Tagaytay Combat Sports Complex sa darating na Sabado ng alas-3 ng hapon.

Dito’y inaasahan naman ang pagdalo ni Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino, CvSU President Dr. Hernando Robles, Senador Francis Tolentino, at Senador Joseph Victor Ejercito.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us