Panukala para gawing tax free ang mga donasyon at rewards ng National Athletes, nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng mainit na Congressional Reception para sa Philippine delegation sa 2024 Paris Olympics ay mabilis na umusad sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 10723 o panukalang gawing tax-free ang incentives, rewards, bonuses, at iba pang emoluments ng mga national athletes at kanilang coaches.

Aamyendahan nito ang Republic Act 10699 o “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.”

Sa kaniyang sponsorship speech, sinabi ni Quirino Repeesentative Midy Cua, na maliban sa mga reward na makukuha matapos ang pagkapanalo, pinakamahalagang probisyon ng panukala ay hindi na rin bubuwisan ang mga donasyon para sa paghahanda ng national athlete isang taon bago ang sasalihang torneyo.

“We believe that the best way forward is to incentivize preparation. Champions are not made overnight. Thus, in addition to our previous proposal, we have included to exempt donations from tax for the entire training of our athletes, provided that such donations are made through the Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Sports Commission (PSC) or the Philippine Paralympic Committee (PPC),” saad niya.

Para naman mas ma-engganyo na magpaabot ng tulong sa ating mga atleta, ang mga regalo at insentibo na ibibigay sa national athletes ay maaaring ibawas sa gross income ng donor.

Inaalis rin ng panukala ang time restriction sa pag-avail ng tax exemption na idinaan sa Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Sports Commission (PSC), o ang Philippine Paralympic Committee (PPC).  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us