Southbound ng Kamuning Flyover, bukas na muli sa mga motorista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos lamang ang tatlong buwan ay binuksan na muli sa mga motorista ang southbound lane ng Kamuning Flyover sa EDSA.

Alas-6 ng umaga nang buksan ang Flyover na passable na sa lahat ng uri ng sasakyan.

Pinangunahan ito nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Procopio Lipana, MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, at Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) Regional Director Loreta Malaluan.

Ayon kay Chair Artes, inaasahang bibilis na ang daloy ng mga sasakyan na patungong southern metro manila dahil sa pagbubukas ng Flyover.

Oktubre pa dapat ang iskedyul na pagbubukas ng tulay ngunit napaaga ito dahil sa mabilis ding pagkukumpuni ng DPWH.

Ayon kay DPWH-NCR RD Malaluan, bagamat may mga natitira pang construction activities sa tulay ay sa ilalim na lang ito at hindi na makakaapekto sa ibabaw na bahagi.

Kaugnay nito, nasa 30% kumpleto na rin ang konstruksyon sa ilalim ng tulay na sunod nang kakabitan ng chained-type restrainers.

Target rin ng DPWH na makumpleto ang retrofitting ng ilalim na parte ng Flyover bago matapos ang taon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us