Tinaasan pa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tulong pinansyal na ipinaabot nito sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) at pamilya nito sa ilalim ng AKSYON Fund.
Ito’y makaraang i-anunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ito ng ₱15.3-billion para sa naturang programa bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga tinaguriang Bagong Bayani ng Pilipinas.
Batay sa inilabas na abiso ng DMW, maaari nang makatanggap ng tulong pinansyal ang isang distressed OFW mula ₱50,000 hanggang ₱100,000 depende sa kanilang sitwasyon.
Kabilang sa mga ipinagkakaloob na tulong ng AKSYON Fund ay para sa legal at medikal, gayundin sa repatriation o pagpapa-uwi sa mga Pilipino.
Kasama rin sa naturang tulong na ibinibigay ng DMW ay ang pagpapa-uwi sa labi ng isang yumaong OFW, paglilikas, rescue, at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala