Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na pangkalahatang naging mapayapa ang isinagawang Homecoming Parade at ang programang inihanda upang bigyang pugay ang mga tinaguriang Bayaning Atleta ng 2024 Paris Olympics.
Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, kasunod na rin ng inilatag na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Batay sa pagtaya ng Pulisya, tinatayang nasa 25,000 ang kabuuang bilang ng mga nakilahok sa naturang aktibidad mula sa mga nanood ng parada hanggang sa mga nakiisa sa inilatag na programa.
Aabot sa mahigit pitong kilometro ang itinakbo ng naturang parada buhat sa Aliw Theatre sa Pasay City patungong Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. | ulat ni Jaymark Dagala