Nagbabala ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko laban sa unverified Independent Tower Companies (ITCs) na humihingi ng impormasyon at nais bumili ng mga ari-arian bilang mga lugar para sa mga cell tower.
Ginawa ng DICT ang pahayag matapos makatanggap ng impormasyon sa ilang grupong nagpapakilang 3rd Telecommunity Tower provider sa bansa.
Paglilinaw ng ahensya, ang mga kumpanyang ito ay walang kaugnayan sa DICT at ang mga naturang gawain ay hindi pinapahintulutan ng pamahalaan.
Sa ngayon, nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang DICT sa insidente.
Pinapayuhan naman ang publiko na maging mapanuri sa mga binibigyan ng sensitibong impormasyon lalo na kung hindi beripikado at hindi awtorisadong ang ITC. | ulat ni Merry Ann Bastasa