Maaari ng makuha ng mga re-instated 4Ps beneficiaries ang retroactive payment para sa kanilang educational grants.
Inanunsyo ito ng DSWD matapos na maihulog na sa bank accounts ng reinstated household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pondo.
Ayon kay 4Ps National Program Manager and Director Gemma Gabuya, nakapaloob sa nasabing retroactive payments ang kabuuang halaga para sa 10-month education grants para sa taong 2023.
Ito ay matatanggap ng mahigit sa 650,000 4Ps household beneficiaries na muling naibalik sa programa.
Kasunod nito, nilinae ng 4Ps National Program Manager na ang delayed health grants at rice subsidies ng mga reinstated households ay naibigay na simula December 2023 hanggang June 2024.
Habang ang grants naman para sa panibagong batch na 120,000 reinstated 4Ps households ay nakatakdang ibigay sa August 17.
Sa ilalim ng 4Ps program, ang health at nutrition grant para sa bawat household beneficiary ay Php750 kada buwan at karagdagang Php600 para sa rice subsidy kada buwan, habang sa education grant para sa mga batang estudyante ay makatatanggap ng Php 300 bawat bata na nagaaral sa elementary. Ito ay matatanggap sa loob ng sampung buwan; Php500 para sa junior high school; at Php 700 para naman sa mga senior high school. | ulat ni Merry Ann Bastasa