Hindi tumitigil sa paghahanap ng paraan ang mga consumer sa Marikina City para mapagkasya ang kanilang pang araw-araw na budget.
Ito’y kahit pa aminado ang mga ito na wala nang ihihigpit pa ang kanilang sinturon dahil sa mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa ilang mga nakapanayam ng Radyo Pilipinas, may ilang nagsabing idinaraan na lamang sa isang lutuan ang kanilang pagkain na sapat para sa buong maghapon.
Habang may nagsabing nanonood sila ng mga video sa social media para makaisip ng makabagong paraan ng pagluluto sa mga murang pagkaing nabibili gaya ng tuyo, noodles, itlog at iba pa.
Kasunod nito, inikot din ng Radyo Pilipinas ang ilang karinderya sa Marikina Public Market kung saan, ang isang order ng ulam na karne ay nagkakahalaga ng Php50 ang bawat order, Php25 hanggang Php35 naman sa kada order ng gulay habang Php15 ang kanin | ulat ni Jaymark Dagala