Iminumungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano na ayusin ang ‘No Balance Billing’ (NBB) Policy para mapakinabangan ng indigent patients.
Sa ilalim ng NBB policy, hindi na kailangang magbayad ng mga mahihirap na pasyente ng ‘extra fee’ kapag lumagpas sa halaga ng packaged rates ang kanilang hospital bill.
Sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), napuna ni Cayetano na outdated na ang kasalukuyang polisiya at pinakahuling na-update ang rates nito noon pang 2015.
Ibig sabihin, kung aabot ng P120,000 ang operasyon sa ospital pero nasa PhilHealth package rate ay nasa P80,000 pa rin, kailangan pang magpaluwal ng pasyente ng P40,000.
Dahil dito, napipilitan aniya ang mga pinakamahihirap na pasyente na humingi ng tulong sa Medical Assistance for Indigent Program (MAIP). | ulat ni Nimfa Asuncion