Job fair para sa mga taga Parañaque, umarangkada ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinahayag ni Parañaque City Mayor Eric Olivares na bilang punong lungsod ay adhikain niya ang mabigyan ng trabaho ang bawat Parañaqueño.

Dahil dito ay personal na pinangunahan ng alkalde ang mini job fair sa Sampaguita Covered Court Barangay Sto. Niño.

Ito aniya ay naging posible dahil na rin sa pakikipagtulungan sa kanilang Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Amie Martin katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).

 Nasa 22 kumpanya ang lumahok upang mabigyan ng trabaho ang mga daan-daang mga aplikante.

Kaugnay nito ay tiniyak ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Parañaque na patuloy na magbababa ito ng mga kahalintulad na programa para sa mga Parañaqueños. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us