‘Permit to campaign ng NPA,’ di na problema sa 2025 Elections — Sec. Año

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na magiging isyu para sa mga kandidato sa darating na halalan sa 2025 ang “permit to campaign” ng New People’s Army (NPA).

Ito ang paniniwala ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año, matapos niyang ianunsyo na bumaba na sa lima ang bilang ng napahinang Guerilla Front ng NPA mula sa dating natitirang pito.

Paliwanag ng kalihim, “minimal” na lang ngayon ang presensya ng NPA sa pagkakabuwag ng lahat ng politico-military spectrum capabilities ng armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ang pahayag ni Sec. Año ay sinegundahan naman ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Undersecretary Executive Director Ernesto Torres Jr. na nagsabing humina na ang impluwensya sa eleksyon ng CPP-NPA sa ilang kritikal na lugar.

Ginawa ng dalawang opisyal ang kanilang mga pahayag sa isang pagtitipon kasama ang media executives sa Seda Vertis North noong Martes. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us