Nakatakdang simulan na ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw ang public consultation sa mga lokal na opisyal at mga hog raiser kaugnay ng ikakasang controlled African Swine Fever (ASF) vaccination.
Ayon sa DA, ipapaliwanag sa naturang konsultasyon ang mga impormasyong may kinalaman sa bakuna.
Paliwanag ni DA Assistant Secretary Dante Palabrica, kailangang maging maingat dahil ang target lamang sa bakunahan ay mga grower o pinalaking baboy na may edad apat hanggang 20 linggo lamang.
Ang bawat baboy na mababakunahan ay imo-monitor kada 30 araw hanggang dalawang buwan kung nakagagawa ng antibodies na panabla sa ASF.
Una nang bumuo ng isang independent technical advisory group na tututok sa pag-a-assess sa gagawing government-controlled vaccinations sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa