Presyo ng asukal sa Marikina Public Market, bumaba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ng ₱10 ang presyo ng kada kilo ng asukal sa Marikina Public Market.

Ayon sa mga nagtitinda, ito’y dahil sa maganda ang estado ng suplay ng asukal sa merkado.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa ₱80 ang kada kilo ng puting asukal mula sa dating ₱90.

Habang kapwa nasa ₱75 naman ang kada kilo ng washed, light, at brown sugar mula sa dating ₱85.

Una nang inihayag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sapat ang suplay ng asukal at kayang tugunan ang demand nito.

Kasunod niyan, iminungkahi ng SRA ang pagpapataw ng fuel subsidy para mabigyang benepisyo ang nasa sektor ng pag-aasukal sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala