PNP, magsasagawa ng simulation sa E911 service

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng simulation ang Philippine National Police (PNP) para sa inilunsad na E911 hotline service ngayong araw.

Isasagawa ang naturang simulation sa PNP Command Center sa loob ng Kampo Crame.

Pangungunahan nila Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. at PNP Chief, Police Gen. Rommel Francisco Marbil ang naturang simulation.

Una rito, isinusulong ni Abalos ang ganap na pagpapatupad ng E911 services sa buong bansa lalo na’t haharapin ng bansa ang banta ng La Niña.

Mahalaga ayon kay Abalos ang pakikipagtulungan ng bawat LGU sa pamamagitan ng paglalagay ng sarili nitong Local Emergency Call Center para sa mabilis na pagtugon ng pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us