Lalaki, patay matapos mabiktima ng hit and run sa Ortigas Ave.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang isang lalaking natagpuang nakahandusay sa eastbound lane ng Ortigas Avenue panulukan ng Lanuza Avenue sa Pasig City ngayong umaga

Ito’y ayon sa Pasig Traffic matapos mabiktima ng hit-and-run ang naturang lalaki na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Batay sa impormasyon, biglang humiga ang naturang lalaki na may bitbit na foam sa gitna ng kalsada dakong mag-a-alas-5 ng umaga kanina.

Dahil madilim pa, hindi napansin ng isang pribadong kotse ang naturang lalaki at nasagasaan ito.

Agad namang rumesponde ang mga pulis gayundin ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at nilagyan na ng harang ang katawan ng duguang lalaki upang hindi na magdulot pa ng lalong pagbigat ng trapiko.

Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad ang plaka ng naturang kotse batay sa kuha ng CCTV sa lugar upang agad itong mapanagot sa batas.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us