Ilang surprise witness, posibleng lumutang sa unang hearing ng QuadComm

Facebook
Twitter
LinkedIn

May mga suprise witness na inaasahang lulutang sa unang pagdinig ng QuadComm.

Sa Bacolor Mini Convention Center gaganapin ang pagsisiyasat patungkol sa magkakaugnay na isyu ng POGO-related crimes, paglipana ng iligal na droga, pamemeke ng foreign nationals ng dokumento para makabili ng ari-arian at pagkakasangkot ng mga police scalawags sa extra judicial killings.

Hiling ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers, isa sa tagapangulo ng komite na ipagdasal ng publiko na lumabas ang katotohanan sa kanilang pagdinig.

Una nang sinabi ni Barbers na may ilang aktibo at retiradong pulis ang nagpahiwatig sa Kamara na nais nilang tumulong sa isinasagawang imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Katunayan, present sa pagdinig si dating CIDG Chief Romeo Caramat

Maliban sa kanila, may surprise witnesses din na lalabas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us