Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang resulta ng pinakahuling Pulse Asia Ulat ng Bayan Survey kung saan nakakuha ang kagawaran ng mataas na approval rating.
Sa survey na isinagawa mula June 17-24, 58% ng nga respondent ang pumabor sa mabilis at maagap na pagresponde ng ahensya sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao, malaking bagay na nararamdaman ng publiko ang maagap na serbisyo ng kagawaran.
Bunga na rin aniya ito ng tuloy tuloy na koordinasyon ng ahensya sa mga local government units (LGUs) at iba pang concerned national government agencies (NGAs) tuwing panahon ng kalamidad.
Ayon pa kay Asst. Secretary Dumlao, bahagi ng direktiba ni Pang. Ferdinand R Marcos Jr. ang prepositioning ng mga relief supplies gayundin ang mabilis na pagbibigay ng government assistance sa mga komunidad na apektado ng kalamidad sa bansa.
Batay sa Pulse Asia survey result, kahanay ng DSWD ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na nakakuha ng highest performance rating na 74%. | ulat ni Merry Ann Bastasa