Hindi ramdam ang epekto ng ikatlong araw ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa Pasig City ngayong araw na ito.
Ito’y kahit pa nagsagawa ng kilos protesta ang grupo partikular na sa bahagi ng Caruncho Avenue na nilahukan ng nasa 10 tsuper na may rutang Pasig Palengke – Quiapo.
Sa pag iikot ng Radyo Pilipinas, nananatiling normal ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa lungsod.
Muli kasing nagkaloob ng libreng sakay ang Lokal na Pamahalaan para alalayan ang mga pasaherong posibleng maapektuhan nito.
Maliban diyan, may sapat na pwersa rin mula sa Pasig Traffic para magmando ng trapiko. | ulat ni Jaymark Dagala