Wala nang plano ang Commission on Elections (COMELEC) na magbigay ng extension sa publiko kaugnay sa Register Anywhere Program.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, hanggang August 30 na lamang ang naturang programa at hindi na ito palalawigin.
Ang Register Anywhere Program ay naglalayong magsagawa ng pagpapatala sa mga bagong botante at magpapalipat ng kanilang voting place.
Karaniwang mga nasa malls ang Register Anywhere Program ng hanggang August 30.
Pero maaari pa rin naman daw magpatala ang mga bagong botante sa mga Election offices na nakakasakop sa lugar kung saan sila boboto sa 2025 Midterm Elections.
Tatagal ang registration ng hanggang September 30. | ulat ni Mike Rogas