Nagpasalamat ang Mataas na Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Chiz Escudero, sa patuloy na pagtitiwala ng publiko sa kanilang performance.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng natanggap na ‘very good’ performance rating na nakuha ng Senado base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey para sa second quarter ng 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Spokesperson Atty. Arnel bañas, na ang rating na ito ay nagpapatunay lang ng commitment ng bawat isang senador na magsilbi ng may integridad at dedikasyon.
Sa resulta ng survey na ginawa mula June 23 to July 1, 2024, lumabas na 66 percent ng mga tinanong ang kuntento sa trabaho ng Senado habang 16 percent ang hindi kuntento.
Sa kabuuan, nakakuha ang Mataas na Kapulungan ng net satisfaction rating na +50 points, na maituturing na ‘very good’.
Kinikilala naman ni Bañas ang bahagyang pagbaba ng rating mula s +55 noong first quarter at magsisilbi aniya itong paalala na pagbutihin pa ang kanilang trabaho.
Nananatiling hamon aniya para sa mga senador na tiyaking ang kanilang legislative work ay mas makakatugon sa pangangailangan ng bansa at na magkakaroon ito ng makabuluhang epekto. | ulat ni Nimfa Asuncion