Higit sa 300 tonelada ng mga smuggled na gulay, kabilang ang mga sibuyas at carrot ang nadiskubre ng Department of Agriculture (DA) sa isang warehouse sa Navotas City.
Ito’y matapos salakayin ng pinagsanib na pwersa ng composite team ng Department of Agriculture-
Inspectorate and Enforcement Office, Bureau of Customs (BOC) at iba pang law enforcement units.
Ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa Bureau of Plant Industry (BPI) na suspendihin ang lahat ng pag-iisyu ng import permit para sa mga gulay na ito.
Batay sa ulat, isa sa dalawang cold storage facility ay naglalaman ng 132.75 tonelada ng puting sibuyas, na nagkakahalaga ng ₱21.2 milyon.
Ang isa pang imbakan ay naglalaman ng 89.89 tonelada ng imported na carrots na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱13.48 milyon.
Natuklasan din sa raid ang 360 kilo ng kamatis, 10 kilo ng enoki mushroom, at isang 40-footer container van na may lamang 92.25 tonelada ng imported na puting sibuyas. | ulat ni Rey Ferrer