Tuloy-tuloy na ang pagbabayad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa cash-for-work ng mga college student na nagsilbing tutor at Youth Development Workers at parents at guardians ng elementary – beneficiaries ng Tara, Basa! Tutoring Program.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, sa bahagi ng Central Visayas, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao namahagi ng cash aid sa mga benepisyaryo ang DSWD.
Ang halagang natanggap ng mga ito ay katumbas ng 20 reading at parenting sessions na nakabatay sa regional minimum wage rate sa kanilang mga lugar.
Bukod dito, patuloy pa rin ang payout na isinasagawa ng DSWD sa Central Luzon, CALABARZON, Eastern Visayas, at National Capital Region.
Ang Tara, Basa! Tutoring Program ay ang reformatted educational assistance program ng DSWD. | ulat ni Rey Ferrer