AFP, nagpasalamat sa Kongreso sa ₱50-B alokasyon sa AFP Modernization Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa ₱50-bilyong pisong alokasyon sa AFP Modernization Program para sa susunod na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang naturang halaga, na mas mataas ng ₱10-bilyong piso sa alokasyon noong nakaraang taon, ay indikasyon ng dedikasyon ng pamahalaan na palakasin ang kakayahang pandepensa ng bansa.

Ayon kay Padilla, ang karagdagang pondo ay magpapahintulot sa AFP na ipagpatuloy ang pag-angkat ng makabagong teknolohiya, mapahusay ang kanilang kapabilidad sa mga operasyon sa dagat, Langit, at lupa, at mapalakas ang kanilang kakayahang tumugon sa mga kasulukuyang bantang panseguridad.

Sinabi ni Padilla na ang modernisasyon ng militar ay isang tuloy-tuloy na proseso na mangangailangan ng walang-tigil na suporta, at karagdagang pamumuhunan sa mga darating na taon.

Tiniyak naman ni Padilla na gagamit ng AFP ang kanilang “resources” sa pinaka-epektibong paraan upang masiguro ang depensa at seguridad ng bansa.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us