Tuloy-tuloy ang pag-alalay ng pamahalaan sa mga Pilipinong nagnanais umuwi sa bansa buhat sa Lebanon.
Ito’y makaraang magbalik bansa na ang nasa 15 Overseas Filipino Workers (OFW) na naipit sa gulo sa nabanggit na bansa
Dumating sa Pilipinas ang mga naturang OFW’s nitong Sabado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kasama ang kani-kanilang mga anak.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) kusang hiniling ng mga naturang OFW na makabalik sa Pilipinas na agad namang nakatanggap ng kaukulang tulong mula sa pamahalaan.
Ang nagpapatuloy na repatriation ay sa pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) gayundin sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). | ulat ni Jaymark Dagala