Para sa mga mahihilig sa masarsang putahe, magandang balita ito.
Ito’y dahil bumaba ang presyo ng kamatis sa mga pamilihan bunsod na rin ng maraming suplay nito.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market, nasa hanggang ₱30 ang ibinaba sa presyo ng kamatis.
Kung dati ay nasa ₱100 ang kada kilo nito, ngayon ay nasa ₱70 na ang kada kilo.
Nananatili namang mahal ang presyo ng iba pang gulay gaya ng luya na nasa ₱200 ang kada kilo, bawang na nasa ₱140 ang kada kilo, habang ang sibuyas ay nasa ₱120 ang kada kilo.
Nasa ₱135 naman ang kada kilo ng carrots, talong, ang patatas naman ay nasa ₱100 ang kada kilo, habang ang ampalaya ay nasa ₱90.
Mura pa rin ang repolyo at pechay Baguio na kapwa nasa ₱60 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala