A-credit rating na nakuha ng Pilipinas, patunay na nasa tamang direksyon ang economic at fiscal policy ng bansa — Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na isang encouraging development para kay Speaker Martin Romualdez ang A-credit rating na ibinigay ng Japan-based Rating and Information Inc. sa Pilipinas ngayong buwan mula sa BBB+ noong nakaraang taon.

Aniya, patotoo ito na tama ang ipinapatupad na economic at fiscal policy ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nangako naman ang lider ng Kamara na patuloy na susuporta ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa economic at prosperity agenda ng Marcos administration sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga panukala na magpapatatag pa ng ekonomiya.

“I am confident that we can attain these numbers. Pero gaya ng sinabi ko na, dapat maramdaman ng ating mga kababayan ang paglago ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng tulong at malaking pondo para sa edukasyon, kalusugan, sa kanilang mga pangangailangan, at iba pang assistance,” saad ni Speaker Romualdez.

Sabi pa ni Romualdez na ang credit rating upgrade na ito ay mangangahulugan ng mas mababang borrowing cost at interest payment sa mga loan.

At ang matitipid aniyang pera ay maaaring ilagay sa tulong pinansyal upang mas maramdaman ng taumbayan ang paglago ng ekonomiya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us