OCD-CALABARZON, naglabas ng babala sa mga taga-Batangas dahil sa volcanic smog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Office of Civil Defense – Region 4A (CALABARZON) sa mga residente ng Batangas laban sa epektong dulot ng volcanic smog o vog.

Ito’y kasunod ng panibagong pag-aalburoto ng Bulkang Taal nitong weekend.

Ayon sa OCD, pinapayuhan nito ang mga residente sa nabanggit na lalawigan na ugaliing manatili na lamang sa tahanan lalo’t kung hindi naman mahalaga ang kanilang lakad.

Sakali mang lalabas ng bahay, mainam na magsuot ng face mask bilang panangga sa maliliit na alikabok mula sa vog.

Nabatid na ang vog ay lubhang nakasasama sa kalusugan na maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract.

Maaari pa itong lumala depende sa concentration o tagal ng exposure sa vog. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us