Mabibigyan na ng sapat na social security coverage ang mga Job Order, at mga personnel na Contract of Service ng University of the Philippines System.
Kasunod ito ng paglagda sa kasunduan ng Social Security System (SSS) at UP System para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program.
Pinangunahan nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at UP President Angelo Jimenez ang paglagda sa memorandum of agreement sa programa.
Sa ilalim nito, ang UP na ang mangongolekta at magre-remit ng kontribusyon ng mga JO at COS para makakuha ng benepisyo sa SSS.
Kabilang sa pasok rito ang UP employees na kasalukuyan nang SSS members na nasa private employment o mga nais na maging voluntary members.
“Although we do not have direct employer-employee relationships with the concerned personnel, we aim to use our resources to help alleviate some of their worries, especially about their savings through social security coverage,” UP President Angelo Jimenez. | ulat ni Merry Ann Bastasa