Nagsanib pwersa ang Bureau of Corrections at ang De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ) para gawing opisyal ang 20 taong pagtutulungan sa pamamagitam ng pagpirma ng isang Memorandum of Agreement.
Ayon sa inilabas na pahayag ng BuCor, layon ng naturang kasunduan na suportahan ang reformation at rehabilitation ng Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Ang nasabing MOA ay pirmado nina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. at DLSZ Senior Vice President Rafael Javier A. Reloza na humalili kay Br. Bernard Oca, presidente ng DLSZ.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, ang mga PDL ay makatatanggap ng social at civic services mula sa DLZS faculty members, staff at students na inaasahang magsasaayos sa personal well-being ng mga ito.
Pinasalamatan naman ni Catapang ang ambag ng DLZS at sinabing malaking tulong ang nasabing mga gawain sa reformation at reintegration ng BuCor. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: BuCor