Mga Filipino sa Lebanon, pinalilikas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalilikas na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga overseas Filipino worker (OFWs) sa bansang Lebanon sa gitna ng kaguluhan sa nasabing bansa.

Ito ang naging panawagan ng OWWA matapos na maglabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Lebanon dahil sa patuloy na kaguluhan dulot ng giyera sa pagitan ng Hezbollah at ng bansang Israel.

Dagdag pa ng OWWA, na habang bukas pa ang airport sa naturang bansa, ito ay magandang oportunidad para mailikas ang ating mga kababayan upang hindi maipit sa patuloy na kaguluhan doon.

Kaugnay nito, nakahanda naman ang OWWA katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbibigay ng assistance sa mga Pilipinong uuwi mula sa Lebanon.

Pinayuhan naman ng OWWA ang mga Pinoy, na manatiling nakaalerto, kung hindi makaalis, magtungo sa mga ligtas na lugar malayo sa mga area ng Beirut South Lebanon at Bekka Valley. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us